The Second Heart: Hidden Key To Overall Health
🎧 Listen to This Article (Tagalog and English audio available)
🔘 Filipino Audio
🔘 English Audio
All Filipino audio articles can be found at the link below:
The full English article and audio can be found at the link below:
The Second Heart: Hidden Key To Overall Health
Introduction
You have a second heart—your calf muscles. This vital muscle pump pushes blood back to your chest, fighting gravity and keeping your circulation strong.
When it weakens due to inactivity, past injuries, or aging, it can lead to swelling, skin changes, and even unnecessary medical treatments.
In this article, you’ll learn what the second heart is, why it’s essential to your health, and how simple daily movements, calf-strengthening exercises, and fascia-release techniques can restore its function and improve your overall well-being.

Ang Pangalawang Puso: Ang Nakalimutang Susi sa Kalusugan ng Buong Katawan
I. Panimula
Maaaring hindi mo alam na may pangalawang “puso” ang katawan mo. Bukod sa puso sa dibdib na nagpapadaloy ng dugo, may isa pang mahalagang parte—ang mga kalamnang binti o calf muscles—na tumutulong itulak ang dugo pabalik pataas tungo sa puso.
Habang tumatanda o nagiging hindi aktibo ang isang tao, humihina ang “second heart.” Kapag hindi ito gumagana nang maayos, naiipon ang dugo sa mga binti, na nagdudulot ng pamamaga, pagbabago ng kulay ng balat, at minsan ay humahantong pa sa mga hindi kinakailangang laboratory test o gamot.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin:
- Ano ang second heart
- Bakit mahalaga ito sa sirkulasyon
- Ano ang mangyayari kapag ito’y humina
- At paano ito palalakasin sa simpleng paraan araw-araw
II. Ano ang “Second Heart”?
Ang second heart ay tumutukoy sa calf muscle pump—isang grupo ng mga kalamnan at ugat sa mas mababang bahagi ng binti na nagtutulak ng dugo pabalik sa puso.
Ganito ang proseso:
- Sa tuwing naglalakad o ginagalaw mo ang iyong mga binti, pinipisil ng kalamnan ang mga ugat.
- May mga valve o balbula sa ugat na pumipigil sa pagbalik ng dugo pababa.
- Dahil dito, napapabilis ang daloy ng dugo pataas, lalo na mula sa paa at bukung-bukong.
Dahil hinahamon ng gravity ang pag-akyat ng dugo mula sa paa, ang calf pump ay napakahalaga para mapanatiling maayos ang sirkulasyon at maiwasan ang paninikip o pagkaipon ng dugo sa ibabang bahagi ng katawan.
III. Bakit Mahalaga ang Malusog na Second Heart?
Kapag aktibo ang second heart, maayos na nakakabalik ang dugo sa puso. Hindi ito basta-basta kaginhawahan lamang—may malalim itong epekto sa kalusugan.
- Pinipigilan ang pamamaga (edema) sa paa at bukung-bukong
- Binabawasan ang posibilidad ng venous insufficiency, kung saan hirap bumalik ang dugo
- Tinutulungan ang lymphatic system sa pagtanggal ng toxins at waste
- Pinipigilan ang varicose veins, pagkasira ng balat, at ulcer sa binti
- Binabawasan ang trabaho ng pangunahing puso at pinapabuti ang sirkulasyon ng buong katawan
Ang pagpapanatiling malakas ng calf muscles ay hindi lang para sa itsura—ito ay paraan para maiwasan ang malalang komplikasyon sa binti at hindi kinakailangang medikasyon.
IV. Mga Epekto ng Mahinang Second Heart
A. Mga Palatandaan sa Binti
- Pamamaga ng bukung-bukong o binti, lalo na kapag nakatayo o nakaupo nang matagal
- Pag-itim o pag-brown ng balat, lalo na malapit sa bukung-bukong
- Pagtulo ng likido mula sa balat (weeping skin), palatandaan ng advanced venous insufficiency
- Pananakit o pangangalay ng binti
- Masikip na sapatos o medyas sa hapon dahil sa fluid retention
- Varicose veins at paninigas ng balat
B. Medikal na Pagpapasuri—Minsang Naliligaw
Tama lang na ipa-check ang pamamaga. Kaya madalas ay nirerekomenda ng mga doktor ang:
- Venous Doppler ultrasound para sa DVT
- Chest CT scan with contrast para sa pulmonary embolism
- Blood tests para sa kidney, atay, at puso
Pero kung ang totoong problema ay mahina o hindi aktibong calf muscle pump, maaaring:
- Magresulta sa di kinakailangang contrast dye, na posibleng makasira sa kidney
- Magreseta ng diuretics (gamot sa ihi) na may side effects tulad ng:
- Pagkahilo
- Pagkaubos ng electrolytes
- Pagtaas ng panganib ng pagkahulog
Kung hindi makikilala ang lifestyle at second heart bilang ugat ng problema, mapapabayaan ito, at mali ang nagiging solusyon.
V. Mga Sanhi ng Pagkahina ng Second Heart
A. Kawalan ng Galaw (Sedentary Lifestyle)
- Matagal na pagkakaupo o paghiga
- Kakulangan sa muscle contractions
B. Walang Sapat na Paggamit ng Calf Muscles
- Hindi sapat ang lakad o walang toe push
- Paglalakad na parang “gliding” lang, hindi tulak
C. Pagtanda at Pagkawala ng Muscle (Sarcopenia)
- Bumaba ang lakas ng calf pump dahil sa edad
- Kung walang resistance training, tuloy-tuloy ang paghina
D. Kondisyong Neurolohikal o Abnormal na Paglakad
- Stroke, Parkinson’s, peripheral neuropathy
- Kulang sa coordinated na hakbang
E. Obesity
- Mataas ang pressure sa veins
- Mahirap gumalaw, mas lalong hindi nagagamit ang second heart
F. Lumang Sugat sa Paa o Bukung-bukong
- Maaaring dekada na ang nakalipas, pero may epekto pa rin
- Mga peklat at deformities na nagpapabago ng galaw
- Mahina ang toe push, kaya hindi umaandar ang calf pump
Halimbawa ng Pasyenteng May Dating Pinsala
Isang pasyente, nasa 60s, dating soccer player, nagkaroon ng matinding injury sa paa noong kabataan niya. Dahil dito, nadeform ang paa at daliri, at hindi na siya makapag-toe push nang maayos.
Paglipas ng taon:
- Lumiit ang kanyang calf muscles
- Umitim ang balat
- Lumala ang pamamaga
Pinuntahan niya ang mga cardiologist, vascular surgeon, at podiatrist, pero walang nakapansin na ang problema ay galing sa kanyang dating injury. Lahat ng dangerous causes ay na-rule out:
- Walang heart failure
- Walang DVT
- Walang kidney problem
Pero doon din tumigil ang evaluation. Naiwan siyang inumin lang ng gamot at magsuot ng medyas, pero walang nakapansin na ang totoong ugat ay ang lumang injury sa paa.
Nang maeksamin ko ang kanyang paa, doon lang nakita na ang kawalan ng toe push ang sanhi ng dysfunction ng second heart.
VI. Paano Palakasin at Ibalik ang Gana ng Second Heart
Ang maganda, maaari mong muling buhayin ang second heart—ang calf muscle pump—kahit walang gamot o mamahaling therapy. Karamihan sa mga problema nito ay galing sa kawalan ng galaw o maling mekaniks ng paa. Sa tamang ehersisyo at paggalaw, bumubuti ang daloy ng dugo at nababawasan ang pamamaga.
A. Pang-araw-araw na Gawi at Paggalaw
Simpleng galaw lang ang kailangan para mapagana muli ang calf pump:
- Calf Raises
- Tumayo at dahan-dahang itaas ang sakong
- Mag-hold ng 2 segundo, tapos ibaba
- 2–3 sets ng 15–20 reps araw-araw
- Puwedeng gawin habang naghihintay o nagsisipilyo
- Toe Pushes Habang Nakaupo
- Idiin pababa ang daliri ng paa na parang nag-aapakan ng gas
- Magandang ehersisyo para sa matatanda o hirap gumalaw
- Ankle Pumps at Circles
- Pataas-pababa o paikot-ikot na galaw ng paa habang nakaupo
- Mahalaga lalo na kung matagal kang nakaupo (e.g., biyahe, opisina)
- Maglakad Lagi
- Kahit 5 minutong lakad kada oras, malaking tulong
- Siguraduhing may toe push habang naglalakad para ma-activate ang calf
B. Pagsasaayos ng Galaw
Kung may lumang injury, peklat, o deformity sa paa:
- Kumonsulta sa physical therapist para ayusin ang gait o ankle mobility
- I-stretch ang plantar fascia at Achilles tendon
- Gumamit ng toe spacers o orthotics kung magkadikit o nakabaluktot ang mga daliri
- Kung matigas ang paa, gumawa ng passive toe stretches gamit ang resistance band
C. Calf Strengthening Exercises
Kung may muscle loss (sarcopenia):
- Gumamit ng resistance bands habang nakaupo o nakatayo
- Mag-akyat ng hagdan, maglakad paakyat, o mag-jump rope kung kaya
- Gamitin ang isometric push—idiin ang talampakan sa sahig at i-hold ng 5 segundo
D. Fascia Release para sa Mas Mabuting Daloy
Tulad ng pasyente na may dating foot injury, minsan ang mahigpit na fascia o peklat sa binti ay nakakapigil sa sirkulasyon.
Kaya pinagawa ko sa kanya ang mga fascial release techniques:
- Foam rolling sa mga binti at talampakan, lalo na sa masakit na parte
- Pagmasahe gamit ang virgin coconut oil, paikot at pataas ang galaw
- Gua sha (scraping) sa mga masikip na kalamnan at talampakan para dumaloy ang dugo
- Kasabay nito, calf exercises at tamang paglalakad ang itinuro ko
Ang resulta: lumambot ang fascia, bumalik ang sirkulasyon, at nabawasan ang pamamaga kahit matagal nang injury.
E. Iba Pang Suporta
- Compression stockings – tumutulong sa pagbalik ng dugo at pagbabawas ng pamamaga
- Pagtaas ng binti – itaas ang paa nang mas mataas sa dibdib ng 15–30 minuto ilang beses sa isang araw
- Hydration at nutrisyon – uminom ng sapat na tubig at kumain ng pagkaing mayaman sa nutrisyon
- Bawas timbang – mas magaan na katawan, mas madaling gumana ang second heart
F. Bonus na Benepisyo
Ang pagpalakas ng calf muscles ay hindi lang para sa binti—nakakatulong din ito sa puso at buong katawan.
- Pinapabuti ang sirkulasyon ng dugo
- Binabawasan ang venous pressure
- Pinapagaan ang trabaho ng pangunahing puso
Kaya ang simpleng paglalakad o pagtaas ng sakong ay makapangyarihang paraan para sa kabuuang kalusugan.
VII. Konklusyon — Buhayin ang Pangalawang Puso
Tahimik pero mahalaga ang second heart sa pagpapanatili ng magandang sirkulasyon, malusog na binti, at enerhiya ng buong katawan.
Kapag hindi ito gumana, madalas ay napagkakamalan itong sintomas ng heart failure, kidney problem, o pamamaga ng ugat. Pero sa totoo, ang ugat ay kakulangan sa galaw o luma nang injury sa paa.
Kapag na-rule out na ang mga life-threatening causes gaya ng CHF, DVT, o kidney failure, madalas ay hindi na itinutuloy ang mas malalim na pagsusuri. Naiiwan ang pasyente na walang sagot kundi gamot at compression socks.
Ngunit kung maaga pa lang ay alam na natin ang tungkol sa second heart, maaari natin itong gisingin muli sa pamamagitan ng:
- Araw-araw na paggalaw at pag-ehersisyo
- Pagpalakas ng calf muscles
- Pag-ayos ng paglalakad
- Pag-release ng fascia gamit ang foam roller, gua sha, o masahe
- At pagsilip sa lumang sugat na maaaring siya palang puno’t dulo ng problema
Huwag nang hintaying lumala ang pamamaga o pag-itim ng balat.
Kumilos na—at simulan ang paggaling ngayon.
Huwag Magkasakit! Don’t Get Sick!
💡 Support This Work
Creating well-researched articles, maintaining this website, and keeping the information free takes time and resources.
If you found this article helpful, please consider donating to support the mission of empowering people to live healthier, longer lives, without relying on medications.
🙏 Every contribution, big or small, truly makes a difference. Thank you for your support!
Follow me on Gab, Twitter (X), Facebook, and Telegram.
Related:
- Stay Strong, Live Long: Creatine And Exercise Builds Muscles
- Activity Snacks Supercharge Muscle Growth And Heart Health Fast
- Alzheimer’s Risk Starts Earlier Than You Think — Here’s How to Stop It
- Protein Requirement Calculator for Adults
- From Helpless To Hopeful: How Exercise Restores Your Life
- Overcome Chronic Depression With Exercise, Healing Body And Mind
- Break Free From Sitting—Reclaim Energy And Life
- Disuse Syndrome: The Hidden Path to Self-Induced Frailty—and How to Reverse It
- Heart Rate Recovery Reveals Hidden Secrets About Your Heart
- Unlock Your Target Heart Rate Without A Monitor
- Unlock Your Fat-Burning Zone: Calculate Your Target Heart Rate Now!
- Heart-Healthy Workouts And More: The Ultimate Guide to Reducing Cardiac Age
- Discover Your Cardiac Age with This Free Calculator
- How Moderate to Vigorous Exercise Makes Your Heart Younger
- Build Your Bridge From Chronic Disease To Radiant Health Now
- Overcome Chronic Depression With Exercise, Healing Body And Mind
- The Truth About Antioxidants And Exercise: Help Or Hindrance?
- Escape Hypertension Now: The Shocking Truth About Exercise Vs. Pills
- How Moderate to Vigorous Exercise Makes Your Heart Younger
- Exercise Vital Signs: A New Way To Spot Hidden Health Risks
References:
- Houghton DE, Ashrani A, Liedl D, Mehta RA, Hodge DO, Rooke T, Wennberg P, Wysokinski W, McBane R. Reduced calf muscle pump function is a risk factor for venous thromboembolism: a population-based cohort study. Blood. 2021 Jun 10;137(23):3284-3290. doi: 10.1182/blood.2020010231. PMID: 33657212; PMCID: PMC8351902. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC8351902/
- Williams, Katherine J., et al. “The Calf Muscle Pump Revisited.” Journal of Vascular Surgery: Venous and Lymphatic Disorders, vol. 2, no. 3, 2014, pp. 329–334. https://www.jvsvenous.org/article/S2213-333X(13)00218-7/fulltext
- Ghorbanzadeh A, Liedl D, Elbenawi H, Rooke T, Wennberg P, McBane RD, Houghton DE. Relationship between calf muscle pump function and severity of chronic venous disease. Vasc Med. 2025 Feb 10:1358863X241311254. doi: 10.1177/1358863X241311254. Epub ahead of print. PMID: 39925165. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/39925165/
- Lalchhuanawma, Andrew, and Divya Sanghi. “The Effect of Strength Training of the Calf Muscle Pump on Cardiovascular Parameters.” Archives of Medicine and Health Sciences, vol. 8, no. 1, Jan.–June 2020, pp. 26–30. https://doi.org/10.4103/amhs.amhs_32_20
© 2018 – 2025 Asclepiades Medicine, LLC. All Rights Reserved
DrJesseSantiano.com does not provide medical advice, diagnosis, or treatment
As an Amazon Associate, I earn from qualifying purchases.
Discover more from Don't Get Sick!
Subscribe to get the latest posts sent to your email.